Saturday, 22 February 2014

HAND-OUT

BATAS MORAL
ni: Glenda S. Polido

PARTIDO STATE UNIVERSITY
KOLEHIYO NG EDUKASYON
Goa, Camarines Sur

polidoglenda@gmail.com

"Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula"



Batas Moral

  • ito ay unibersal at pangkalahatan sa bawat tao sa alinmang kultura. Obhetibo ito at nananatilihing totoo at hindi nagbabago sa anumang panahon at pagkakataon.
  • Ito ang batas na nagtatakda ng kilos at galaw ng tao kung tama o mali.Ito rin ay gumagabay sa atin araw-araw nating pamumuhay.Sinasabi rin naman isa itong tungkulin na nalilinang ng tao dahil sa hinihingi ito ng Diyos  na hindi naman isinasabuhay ng marami sa atin.




Batas Moral
Mga Birtud at Pagpapahalaga
Mga Gawaing
Lumalabag
Klaster I- III

Mahalin ang Diyos
Igalang ang Kanyang
Pangalan
Alalahanin ang Araw
Ng Diyos


Pagmamahal sa Diyos
Katotohanan at Pananampalataya
Paggalang sa Diyos
Paglilingkod sa Diyos
Pagtalima sa Kautusan


Pagsagawa ng mga kulto
Pagsasabi ng malalaswa at masasakit na salita sa Diyos
Pagwawalang –bahala sa mga pagtitipong espiritwal
Kawalan ng interes na magsimba
Klaster IV

Igalang mo ang iyong ama’t ina



Paggalang
Pagkakabuklod ng pamilya
Pagsunod
Kabutihang loob


Paglapastangan sa magulang at may awtoridad
Klaster V-X

Huwag kang papatay
Huwag kang mangangalunya
Huwag kang magnanakaw
Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan
Huwag mong pagnanasaan at pag iimbutan ang asawa ng iyong kapwa
Huwag mong pagnanasaan ang ari-arian ng iyong kapwa


Paggalang sa buhay at dignidad ng tao
Paggalng sa didgnidad ng seks
Paggalang sa pag-aari ng kapwa
Komitment sa katotohanan
Pagtulong sa kapwa
Pagtitimpi
Disiplina sa sarili
Kalinisan ng loob
Katapatan


Pakikipag-away
Pang-aabuso
Pagbabasa ng malalaswang babasahin
Pagkagumon sa masamang bisyo
Pakikiapid at pakikipagrelasyon sa may asawa
Pagnanakaw
Pagsisinungaling at pagloloko sa kapwa at iba pang kauri nito

 Sanggunian:
Punsalan,Twila et.al.,Kaganapan sa Maylalan.,Quezon City:Rex Printing Company                                    Inc.,2009
Esteban , Esther J.,Education in Values: What, Why  and For Whom., Manila:                                           Sinagtala Publishers, Inc., 1990



INIHANDA NI:

GLENDA S. POLIDO
BSED 2B

INIHANDA PARA KAY:

DR MYRNA C. BIGUEJA
INSTRUCTOR
                        

6 comments: